2 dating mambabatas na kasabwat ni Napoles kinasuhan
Sinampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds sina dating South Cotabato Rep. Arthur Pingoy Jr. at dating Pampanga Representative at Energy Regulatory Commission Head Zenaida Ducut.
May kaugnayan ang kaso sa umano’y paglalagay ni Pingoy ng bahagi ng kanyang dating Pork Barrel Funds sa ilang mga Non-Government Organization na pinamamahalaan ni Janet Lim-Napoles.
Kabilang dito ang mahigit sa P20 Million na inilagay ni Pingoy sa Social Development Program for Farmers Foundation (SDPFFI) at Philippine Social Development Foundation (PSDFI) mula taong 2007 hanggang 2009.
Sa nasabing mga transakyon ay nagsilbing ahente ni Pingoy ni Ducut.
Sa imbestigasyon ng Office of the Special Prosecutor, sinasabing umaabot sa P40 Million ang kinita ni Ducut bilang ahente ng ilang mga mambabatas sa mga inilalapit niyang proyekto sa mga NGOs ni Janet Lim-Napoles.
Nauna na ring kinasuhan sa Sandiganbayan si Ducut kasama ang ilang mga dating mambabatas dahil sa kahalintulad na mga kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.