“Hugpong Para kay Sara” inilunsad

By Angellic Jordan September 13, 2021 - 02:40 PM

Inilunsad ang “Hugpong Para kay Sara” o HPS, isang citizen movement na layong hikayatin si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagtakbo bilang pangulo sa 2022 National and Local Elections.

Aabot sa 10,000 tagasuporta at chapter members mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang namumpa upang suportahan ang alkalde.

Kabilang sa mga opisyal nito sina House Speaker Lord Allan Velasco, HPS chairman Anthony del Rosario, ACT-CIS PL Rep. Eric Yap at iba pa.

Ayon kay HPS president Allan Yap, misyon nilang suportahan si Mayor Duterte, anuman ang magiging pasya nito sa kanyang political journey.

Sinabi naman ni House Deputy Speaker Bernadette Herrera, secretary general ng grupo, na umaasa silang tatakbo sa pagka-pangulo si Mayor Sara sa eleksyon.

Pinaniniwalaan kasi aniya nila na ang Presidential daughter ang magsusulong ng Pilipinas sa hinaharap.

Habang naghihintay ang magiging pinal na pasya ng alkalde, sinabi ni Herrera na patuloy nilang palalawakin ang HPS upang matiyak na malakas ang grupo para sa mayora.

Matatandaang nagpahayag na si Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban para naman sa pagtakbo sa pagka-bise presidente.

TAGS: Hugpong Para kay Sara, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Hugpong Para kay Sara, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.