Health protocols hindi nasunod sa libreng vaccination project sa Lucena City

By Jan Escosio September 13, 2021 - 02:09 PM

Pinangambahan na maging ‘super spreader event’ ang proyekto ng isang mambabatas na ikinasa sa Lucena City, araw ng Lunes (September 13).

Sa post ng netizens sa social media, ang free flu vaccination drive sa Sentro Pastoral Compound sa Barangay Isabang ay proyekto ni Rep. Helen Tan (4th District, Quezon Province).

Sa kumalat na mga larawan sa social media, kapuna-puna na hindi na nasunod ang social distancing dahil na rin sa pagdagsa ng mga tao, marami din ang walang mask at face shield.

Nabatid na 6:30 ng umaga, nagsimula na ring bumigat ang daloy ng mga sasakyan sa lugar dahil sa sobrang dami ng mga tao.

Kabilang din sa pangkarinawang posts sa social media ay mga panunumbat kay Tan dahil ito ang namumuno sa House Committee on Health at isa rin itong doktor.

Ipinagtataka din ang proyekto gayung hindi sakop ng distrito ng mambabatas ang lungsod.

Magugunita na naging kontrobersyal na si Tan noong Marso nang magpabakuna ito ng COVID 19 vaccine gayung hindi naman siya maituturing na medical frontliner.

TAGS: HelenTan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, vaccination, HelenTan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.