VP Leni: Parang napapaglaruan na ang mga tao sa nakakalitong quarantine labels!

By Jan Escosio September 12, 2021 - 04:13 PM

Nakakalito sabi ni Vice President Leni Robredo ang pabago-bagong quarantine classifications and labels na ipinapatupad ng bansa.

Aniya nagbubunga ito ng kalituhan at ang mga maliliit na negosyo ang higit na tinatamaan.

“Ang dami na nating terms na ginamit na kahit ako litong-lito na ako. Pati ‘yung (that definition ng terms umiiba,” sabi nito.

Dagdag pa ni Robredo tila napapaglaruan na ang buhay ng mamamayan kayat hiling niya ay magkaroon muna ng maayos at malinaw na pag-uusap ang mga kinauukulan bago isapubliko ang mga desisyon.

Reaksyon ito ni Robredo sa dapat na pilot testing ng granular lockdown sa ilang lugar sa Metro Manila kapalit ng ibat-ibang community quarantine restrictions noong Setyembre 8.

Ngunit isang araw bago ito ipatupad ay nagbago ang isip ng gobyerno at sinabi na sisimulan ito sa Setyemnbre 16 at magtatagal hanggang Setyembre 30.

Gayundin, inanunsiyo mismo ng Malakanyang na balik-general community quarantine (GCQ) na ang Metro Manila, ngunit binawi din ito at ipinagpatuloy na lang ang pagpapa-iral sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.