Transaksyon ng gobyerno sa PRC puputulin kapag hindi pina-audit ang pondo

By Chona Yu September 11, 2021 - 11:21 AM

Ipatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-transaksyon ng pamahalaan sa Philippine Red Cross kung hindi magsusumite ng financial records ang organisasyon na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon para sa auditing.

Ayon sa Pangulo, gagawa siya ng sulat sa PRC para hilingin na buksan ang financial records nito para sa government audit.

Hihilingin din ng Pangulo kay Commission on Audit chairman Michael Aguinaldo na busisiin ang pondo ng PRC.

Kapag nagmatigas aniya ang PRC o si Gordon, sinabi ng Pangulo na hindi na niya ituturing na nag-i-exist ang organisasyon.

Wala na ring pakialam ang Pangulo kung gagawa ng panibagong kontrobersiya si Gordon o magiging sanhi ng krisis.

Ayon sa Pangulo, ititigil na niya ang pakikipag-transaskyon sa PRC sa kahit na anong uri ng pamamaraan at hindi na magbibigay ng pera ang gobyerno.

Ginawa ng Pangulo ang mmga banta sa gitna ng ginagawang imbestigasyon ng Senate

 

 

TAGS: audit, COA, Pangulong Duterte, red cross, Richard Gordon., audit, COA, Pangulong Duterte, red cross, Richard Gordon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.