Mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2021-2022, halos 22-M na

By Angellic Jordan September 10, 2021 - 10:27 PM

Halos 22 milyon ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa tala ng Department of Education (DepEd) hanggang 2:00, Biyernes ng madaling-araw, September 10, nasa 21,932,397 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang June 2, 2021; 16,142,322 enrollees sa public; 1,204,295 sa private; habang 28,453 naman sa SUCs/LUCs.

Pinakamarami pa ring naitala sa Region 4-A na may 2,993,925 enrollees.

Sumunod dito ang Region 3 na may 2,237,863 enrollees, at National Capital Region na may 2,032,125 enrollees.

Nagsimula ang enrollment noong August 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase.

Nakatakda ang pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2021-2022 sa September 13, 2021.

TAGS: deped, DepEdPhilippines, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY2021-2022, deped, DepEdPhilippines, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SY2021-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.