Bagyong Kiko: Signal No. 3 itinaas sa Sta. Ana, Cagayan
Kahit bahagyang humina ang bagyong Kiko, itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 3 sa Sta. Ana, Cagayan at inaasahan ang mapaminsalang hangin sa susunod na 18 oras.
Sa 4:00 am bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo 280 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas na hangin na 185 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 230 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon ng kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar;
-Batanes, Babuyan
-Aparri
-Camalaniugan
-Lal-Lo
-Gattaran,
-Baggao
-Peñablanca
-Buguey
– Santa Teresita
-Gonzaga
-San Pablo
-Maconacon
-Divilacan
-Palanan
Samantalang TCWS Signal No. 1 naman sa;
-natitirang bahagi ng Cagayan
-Pagudpud
-Adams
-Dumalneg
-Bangui
-Vintar
-Carasi
-Apayao
-City of Tabuk
-Pinukpuk
-Rizal
-Santa Maria
-Quezon
-Mallig,
-Roxas
-San Manuel
-Cabatuan
-Aurora
-City of Cauayan
-Angadanan
-San Guillermo
-Dinapigue
-San Mariano
-Cabagan
-Santo Tomas
-Delfin Albano
-Tumauini
-Quirino
-Burgos
-Gamu
-Ilagan City
-Luna
-Reina Mercedes
-Naguilian
-Benito Soliven
-Dilasag
-Casiguran
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.