22,280 single-day COVID 19 cases, bagong record!
Karagdagang 22,820 COVID 19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayon araw.
Ito ang bagong record na single-day tally matapos ang naitalang 22,415 noong nakaraang Lunes, Setyembre 6.
Bunga nito, umakyat sa 2,161,892 ang kabuuang bilang ng naitala ng COVID 19 cases sa bansa simula noong Marso ng nakaraang taon.
May 166,672 active cases ngayon sa bansa at 87 porsiyento sa kanila ang nakakaranas ng mild symptoms, 8.3 porsiyento ang asymptomatic, 0.7 porsiyento ang kritikal, 1.4 porsiyento ang severe at 2.65 porsiyento ang may moderate symptoms.
May 12,337 na nadagdag sa bilang ng mga gumaling, samantalang karagdagang 61 naman ang namatay.
Samantala, matapos maresolba ang ‘technical issue, naayos na ng DOH ang datos kahapon at ang naiulat na 12,751 cases ay nadagdagan ng 5,132.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.