Mayor Sara Duterte hindi na tatakbong pangulo ng bansa

By Chona Yu September 09, 2021 - 11:14 AM

 

Wala ng balak si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na tumakbong pangulong bansa sa 2022 elections.

Pahayag ito ni Mayor Sara matapos tanggapin kahapon ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na tumakbong bise presidente.

“I am not running for a national position as we both agreed only one of us will run for a national position in 2022,” pahayag ni Mayor Sara.

Tumanggi naman si Mayor Sara na mag-komento kung susuportahan ng kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago ang mga kandidato ng kanyang ama sa PDP-Laban.

Matatandaang sinuportahan ng HNP ang mga kandidato ng PDP-Laban noong 2019 elections.

Sinabi pa ni Mayor Sara na walang personalan sa kanyang naturang desisyon.

“Our politics do not interfere with our familial relationship. Iba ang trabaho, iba ang pamilya. Walang personalan,” pahayag ni Mayor Sara.

 

TAGS: Davao Mayor Sara Duterte, hugpong ng pagbabago, Lakas-PDP, Rodrigo Duterte, Davao Mayor Sara Duterte, hugpong ng pagbabago, Lakas-PDP, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.