Paolo Contis, nagsalita na ukol sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes
Binasag na ng aktor na Paolo Contis ang kaniyang katahimikan ukol sa paghihiwalay nila ng aktres na si LJ Reyes.
Sa Instagram, isa-isang sinagot ng aktor ang mga isyu na nauugnay sa kanilang hiwalayan.
“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko,” pahayag ni Paolo.
Dagdag nito, “I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito.”
Itinanggi ng aktor na gumagamit siya ng ilegal na droga na nagreresulta umano sa pananakit nito kay LJ at sa mga bata.
“This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them,” ani Paolo.
Ukol naman sa isyu ng third party, inamin ng aktor na naging marupok siya sa ilang taon nilang pagsasama.
Saad nito, “I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”
Dinepensahan naman ni Paolo ang katambal sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.
Aniya, hindi si Yen ang rason ng kanilang paghihiwalay ni LJ, kundi ang kaniyang sarili.
“Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati ‘pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano,” sabi ni Paolo.
Ukol naman sa isyung magkasama sina Paolo at Yen sa Baguio, hindi ito itinanggi ng aktor.
Paliwanag nito, nagtungo siya sa Baguio nang tatlong araw dahil gusto niyang mag-isip-isip.
“Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” pahayag ni Paolo.
Nakiusap naman ang aktor sa publiko na huwag nang i-bash ang kaniyang manager na si Lolit Solis dahil sa pagtatanggol sa kanya.
Ito naman pahayag ni Paolo sa pagpunta ni LJ kasama ang mga anak sa Amerika, “I was very clear to LJ when I told her I want to see and take care of Summer kahit hindi kami okay. But I understand and respect her decision to go to the States muna.”
Aniya pa, “Sana balang araw makapag usap kami ng maayos para sa bata. Madami pang kailangan pag usapan pero sa amin na lang ni LJ yun at sana respetuhin niyo yun.”
Humingi naman ng paumanhin si Paolo sa mga nadamay sa isyu, lalo na kay LJ at sa mga anak na sina Aki at Summer.
“I will work on making myself a better person and learning from this. But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you,” pahayag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.