Pangulong Duterte, tinanggap na ang nominasyon para sa pagtakbo bilang VP sa 2022 elections
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon para sa kaniyang pagtakbo bilang bisa presidente sa 2022 national and local elections.
Inanunsiyo ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa idinaos na national convention ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sa pangunguna ng pangkat ni Energy Secretary Alfonso Cusi, sa San Fernando City, Pampanga Miyerkules ng hapon (September 8).
“Alam mo bakit ako tatakbo ng vice president? Is it ambition? Maybe. Is it really a sense of love of country? Yes,” pahayag ng pangulo.
Dagdag pa nito, “I want to see the continuity of my efforts even though I may not be the one giving the direction. Baka makatulong lang ako.”
Giit ng pangulo, alam ng nakararami na ilegal na droga at terorismo pa rin ang problema sa bansa.
Nagpasalamat naman ang pangulo sa kaniyang partido para sa pag-nominate sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.