#JolinaPH, humina at isa ng tropical storm
Humina at isa nang tropical storm ang bagyong Jolina habang patungo sa Bataan.
Sa severe weather bulletin, sinabi ng PAGASA na huling namataan ang sentro ng bagyo sa Manila Bay o 135 kilometers Timog ng Sangley Point, Cavite bandang 4:00 ng hapon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Bahagyang bumagal ang bagyo habang tinatahak ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometers per hour.
Narito ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal:
Signal no. 2:
– Northern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan)
– Northern portion ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz) kasama ang Lubang Islands
– Central portion ng Quezon (Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Pagbilao)
– Batangas
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Metro Manila
– Southern portion ng Bulacan (Pandi, Bulacan, Marilao, Calumpit, Norzagaray, Plaridel, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Bustos, City of Malolos, Angat, Obando, City of San Jose del Monte, Pulilan, City of Meycauayan, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, San Rafael, Baliuag)
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
Signal no. 1:
– Marinduque
– La Union
– Southern portion ng Benguet (Sablan, Tublay, Bokod, La Trinidad, Baguio City, Itogon, Tuba, Kapangan, Atok)
– Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Kayapa)
– Southern portion ng Aurora (Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan)
– Pangasinan
– Nueva Ecija
– Nalalabing parte ng Bulacan
– Northern at southern portions ng Quezon (Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Gumaca, Atimonan, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar) kasama ang Polillo Islands
– Central portion ng Oriental Mindoro (Naujan, Victoria, Socorro, Pola, Pinamalayan, Gloria, Bansud)
– Central portion ng Occidental Mindoro (Sablayan)
Inalis na sa Signal no. 1 ang ilang lugar sa bansa.
Abiso ng PAGASA, mabigat na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bataan, Cavite, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro sa susunod na 24 oras.
Katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan naman ang iiral sa nalalabing parte ng Central Luzon at CALABARZON.
Sa bahagi naman ng Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan.
Inaasahang magla-landfall pa ang bagyo sa bisinidad ng Bataan Peninsula sa Miyerkules ng hapon o gabi.
Sinabi pa ng PAGASA na maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Huwebes ng gabi, September 9, o Biyernes ng madaling-araw, September 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.