Pag-apruba sa panukalang pagpapaigting ng traditional at complimentary medicine, regulatory system ikinalugod ni Rep. Tan
Ikinalugod ni Quezon Rep. Angelina Helen Tan ang pag-apruba ng House Committee on Health sa mga panukalang batas na naglalayong mapaigting traditional at complimentary medicine, at ang regulatory system upang malabanan ang paglaganap ng mga pekeng gamot.
Ayon kay Tan, chairman ng naturang komite, malaking tulong lalo na ngayong panahon ng pandemya ang House Bill No. 9160, na mag-aamiyenda sa Traditional and Alternative Medicine Act of 1997, at House Bill No. 4779, na target palakasin ang regulatory system sa mga gamot na ito.
Sa gitna kasi aniya ng COVID-19 pandemic, samu’t saring hamon ang kinaharap ng mga Pilipino tulad ng mahal na pagpapagamot sa ospital, gamot at healthcare sa harap ng pagkasaid ng kanilang kita.
Kaya naman hindi rin maitatanggi na kailangang matiyak na ligtas at epektibo ang traditional medicines na maituturing “critical tool” sa access sa health care at paglaban kontra COVID-19, bagay na hindi dapat basta lamang balewalain.
Iginiit ni Tan na marami na ang nagbago sa industriya at counterfeiting technologies mula nang maisabatas ang Special Law on Counterfiet Drugs 23 taon na ang nakalilipas.
Patunay na rin aniya rito ang pagsulputan ng napakaraming iligal na pharmaceutical products na nakakapasok sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.