WATCH: Tubig sa fire hydrant sa EDSA kanto ng E. Lopez Sr., sa QC, bumulwak
Binaha ang bahagi ng EDSA kanto ng E. Lopez Sr., sa barangay South Triangle, Quezon City dahil sa ilang oras na pagbulwak ng tubig mula sa fire hydrant.
Ayon sa mga residente sa lugar, naiwan umano ng mga bumbero na bukas ang fire hydrant matapos silang magkarga ng tubig.
Ala una ng madaling araw nang magsimulang bumulwak ang tubig sa nasabing fire hydrant at ngayong umaga lamang ito sinubukang ayusin.
Naiayos naman kanina ang fire hydrant, pero makalipas ang ilang minuto matapos itong maisara ay muling bumulwak ang tubig.
Nagdulot na ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa bahaging iyon ng EDSA ang nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.