P3.4-B halaga ng shabu, nasabat; 4 Chinese drug traffickers, patay

By Angellic Jordan September 07, 2021 - 09:24 PM

PNP photo

Nasamsam ng mga awtoridad ang 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon sa ikinasang operasyon sa Candelaria, Zambales araw ng Martes (September 7).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, nagresulta ang operasyon sa pagkasawi ng apat na Chinese drug traffickers makaraang manlaban sa mga awtoridad nang subukang tumakas.

Kinilala ang mga dayuhan na sina Gao Manzhu, 49-anyos; Hong Jianshe, 58-anyos; Eddie Tan, 60-anyo (lahat mula sa Fujian, China); at si Xu Youha, 50-anyos mula sa Quezon City.

“They are known distributors of illegal drugs in Luzon, particularly in Metro Manila, Central Luzon and Region 4,” ani Eleazar.

Sa ngayon, ang nakumpiskang shabu ang pinakamalaking drug haul para sa taong 2021.

Sinabi ni Eleazar na pinaniniwalaang ipakakalat sana ang nakumpiskang ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nag-ugat ang operasyon mula sa mahabang surveillance matapos masubaybayan ang galaw ni Xu Youha.

Si Xu alyas “Taba” ay isa sa itinuturing na key players ng illegal drugs activities sa bansa in the country.

Ani PDEA Deputy Director General for Operations Gregorio Pimentel, huling na-monitor si Xu na may kausap na indibiduwal sa ibang bansa.

“Meron pa tayong pursuit na ginagawa from this operation. Hindi dito nagtatapos ang aming maigting na kampanya laban sa iligal na droga dahil meron pa tayong hinahabol na mga sindikato,” pahayag ni Villanueva.

Ipina-deploy naman ni Eleazar ang helicopters at speedboats ng pambansang pulisya upang umasiste sa pursuit operation laban sa vessel na nagbiyahe ng ilegal na droga sa Zambales.

“This operation was a result of the whole-of-government approach in our campaign against illegal drugs,” ani Eleazar at dagdag nito, “Our coordination and cooperation with other government agencies, particularly with the PDEA, is now stronger than before so we are confident that this will be our strong point in our successful campaign to put an end to the threats of illegal drugs in the country.”

TAGS: GuillermoEleazar, InquirerNews, PDEA, PNP, RadyoInquirerNews, WilkinsVillanueva, GuillermoEleazar, InquirerNews, PDEA, PNP, RadyoInquirerNews, WilkinsVillanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.