Listahan ng real estate properties ni Duterte, inilabas ni Trillanes
Bukod sa mahigit P200 milyong pera na umano’y nasa mga tagong bank accounts, naglabas naman ngayon ng listahan si Sen. Antonio Trillanes IV ng mga ari-arian ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Base sa mga dokumentong inilabas ni Trillanes, mayroong 40 ari-arian si Duterte na mga nakasaad sa Transfer Certificates of Title (TCTs).
34 sa mga ito ay nasa Davao City, dalawa sa Dipolog City, at tig-iisa sa Davao del Norte at as San Juan City, Parañaque City at Quezon CIty.
Isa sa mga ari-arian sa Davao City ay nakalaan para sa 11-anyos na anak ni Duterte na si Veronica Avancena Duterte, na nakapangalan sa ina nitong kinakasama rin ngayon ng alkalde na si Cielito Avancena.
Ang dalawa namang pag-aari sa Dipolog ay nakapangalan na sa pag-asawang sina Sebastian Descallar at Jesusima Duterte.
Ang nasa San Juan naman ay kay Sebastian Zimmerman Duterte, habang isa sa Parañaque City at dalawa sa Davao naman ang nakapangalan sa asawa ni Sara Duterte na si Manases Carpio.
Kay Sara naman nakapaganalan ang ari-arian na nasa Quezon City.
Bukod dito, inilabas rin ni Trillanes ang siyam na iba pang mga address na ginagamit ni Duterte, ito ay ang:
– 386 P. Guevarra St., San Juan City;
– 93 Sapphire St., Dona Luisa, Matina, Davao;
– 115 Camagong St., Monte Maria, Davao City;
– 267 Makiling Central Parkbangkal, Bangkal, Davao City; – 458 Taal Road Central Park Subdivision, Bangkal, Davao City; – 2 Atlantic Avenue, Ecoland, Davao City;
– 10 Atlantic Avenue, Ecoland Phase 3, Davao City;
– 9 Atlantic Ave., Ecoland Subdivision Phase 3, Davao City Del Sur; at sa
– 105 SM Village, Bangkal, Davao City.
Una nang isiniwalat ni Trillanes na mayroon umanong aabot sa P227 milyon ang laman ng account ni Duterte sa Bank of the Philippine Islands, at papalo naman sa P2.4 bilyon ang kabuuang transaksyon sa mga accounts ni Duterte sa BPI sa Pasig City at sa Greenhills, at BDO-Unibank sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.