Bilang ng fully vaccinated laban sa COVID-19 sa Pilipinas, higit 15.03-M na
Umabot na sa higit 15.03 milyon ang bilang ng mga fully vaccinated kontra sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 hanggang araw ng Linggo (September 5, 2021), nasa kabuuang 35,838,964 na ang naiturok na bakuna laban sa nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 20,805,610 ang nabigyan ng first dose habang 15,033,354 ang naturukan ng second dose.
Nasa 391,367 naman ang average ng daily vaccinated individuals sa nakalipas na pitong araw.
Pinaalalahanan din ang mga nabakunahan na sumunod pa rin sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.