Dagdag-sahod, paghinto ng ‘endo’ sentro ng Labor Day protest ng iba’t ibang grupo

By Jay Dones May 02, 2016 - 04:24 AM

Raffy Lerma/Inquirer

Kahit araw ng Linggo, ginunita ng iba’t –ibang mga labor groups ang Araw ng Paggawa o Labor Day sa pamamagitan ng mga rally sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila at mga probinsya.

Sa Welcome Rotonda sa lungsod ng Quezon kahapon, ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) at mga miyembro ng mga kaalyado nitong samahan ang  naglakad tungong Espana hanggang sa Chino Roces Bridge malapit sa Malacañang.

Dito, inihayag ng mga lider ng mga grupong kabilang sa KMU ang kanilang paggiit na hindi makatotohanan ang naging pahayag ng Pangulong Aquino na bumuti ang buhay ng mga manggagawa sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Giit pa ng grupo, itigil na ang kontraktuwalisasyon at itaas ang sweldo sa hanay ng mga manggagawa.

Umaasa din ang iba’t-ibang grupo na tutuparin ng sinumang mananalo sa nalalapit na halalan na mahihinto ang ‘endo’ o end of contract system sa mga kumpanya sa bansa na ipinapangako ng mga ito sa taumbayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.