Bagyong Jolina namuo, Signal No. 1 nakataas sa ilang lugar sa Visayas, Mindanao

By Jan Escosio September 06, 2021 - 09:07 AM

Lumakas at naging tropical depression kaninang alas-2 ng madaling araw ng tinutukang low pressure area (LPA) sa silangan ng Eastern Samar.

Dahil sa bagyong Jolina, ayon sa PAGASA, itinaas ang Tropical Cycle Wind Signal No. 1 sa Eastern Samar sa Visayas, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands sa Mindanao.

Makakaranas nang malakas na hangin na may pagbugso ang mga nabanggit na lugar sa susunod na 36 oras.

Magdudulot din ng may kalakasan hanggang sa malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa susunod na 24 oras.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng flashflood at landslides sa mga ‘hazard areas.’

Namataan ang sentro ng bagyo, 330 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lakas ng hangin aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito kanluran-timog-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras at may posibilidad na tumama ito sa kalupaan sa Hilagang Luzon sa Biyernes, Setyembre 8.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.