P888 milyon para sa special risk allowance ng mga health workers inilabas na ng DBM
Karagdagang P888.12 milyon ang ini-release ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health para ipangbayad sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga eligible na public at private healthcare workers (HCWs) na tumutugon sa pandemya sa COVID-19.
Sa pahayag ng DBM, saklaw ng SRA mula December 20,2020 hanggang June 30, 2021.
Kinuha ang pondo sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund and Unprogrammed Appropriations sa ilalim ng Fiscal Year 2021 General Appropriations Act.
Sa ngayon, nasa P1.2 bilyon na ang naire-release ng DBM para sa SRA ng mga health workers.
“An additional amount of P407.08 million will be charged against the FY 2021 Contingent Fund to complete the SRAs for an estimated 117,926 HCWs not to exceed P5,000 per month for the covered period and shall be on top of existing compensations as prescribed under the Magna Carta of Public Health Workers and the DOH-DBM Joint Circular No. 1, series of 2016,” pahayag ng DBM.
Tiniyak naman ng DBM ang mga health workers na agad na ilalabas ang pondo para mabayaran ang SRA at iba pang kaukulang benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.