99 na bagong BI officer, itinalaga sa NAIA
Inanunsiyo ng Bureau of Immigration (BI) ang deployment 99 na bgaong immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bagong na-recruit ng ahensya ang naturang immigration officers upang mapalakas ang manpower sa naturang paliparan.
“Our new IOs have started reporting for duty in the three terminals of the NAIA since last week, and they are currently undergoing on-the-job training prior to their full deployment in our immigration counters,” saad ni BI Port Operations Chief, Atty. Carlos Capulong.
Sa ulat kay BI Commissioner Jaime Morente, sinabi ni Capulong na magkakaroon ng rotation ang bagong immigration officers sa kanilang shift assignments kada linggo.
“So they can experience the challenges, and grasp the enormity of their roles and responsibilities as border control officers of our country,” ani Capulong.
Pinayuhan naman ni Morente ang mga bagong BI personnel na ipagmalaki ang kanilang trabaho at ipakita ang pagiging propesyonal at integridad sa tungkulin.
“Now, more than ever, it is imperative for us to prove to our leaders and countrymen that we are dedicated to our mandate of protecting our borders from being infiltrated with unwanted aliens,” ayon sa BI Chief.
Pinaalalahanan din nito ang mga bagong empleyado na maliban sa pagpigil sa pagpasok ng mga kahina-hinalang dayuhan, inatasan din silang maging alerto upang hindi mabiktima ng human traffickers ang ilang Filipino.
Nakumpleto ng bagong BI recruits ang tatlong buwang pagsasanay sa immigration laws, rules and procedures.
Libu-libong indibiduwal na nag-apply para sa 99 Immigration Officer 1 plantilla positions.
“We believe that as more and more Filipinos are vaccinated, this pandemic will soon be a thing of the past and there were will be an influx of international travelers into our country. Thus, this early we are already preparing and bracing for this eventuality,” ayon pa kay Capulong.
Sinabi naman ni Morente na inaasahan nilang magtatapos din ang panibago pang batch ng immigration officers bago matapos ang taong 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.