DPWH, ipagpapatuloy ang road repair sa EDSA sa weekend
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road repair at reblocking sa bahagi ng EDSA sa weekend.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), apektado ang aktibidad ang parte ng EDSA-Caloocan (Southbound) pagkatapos ng Urbano Plata Street (4th lane mula sa sidewalk).
Sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (September 3).
Muli namang bubuksan sa mga motorista ang nasabing kalsada dakong 5:00, Lunes ng madaling-araw (September 6).
Abiso sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.