BI, nagbabala ukol sa scammers na nag-aalok ng pekeng entry permit sa mga dayuhan sa social media
Nagbabala sa publiko ang Bureau of Immigration (BI) ukol sa mga scammer na nag-aalok ng pekeng entry permits sa mga dayuhan sa Facebook.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nakatanggap sila ng reklamo laban sa isang netizen na nag-alok umano ng entry permit sa bansa sa ilang nabiktimang dayuhan.
Isa aniya sa mga biktima ang sinabihan ng naturang netizen na makipag-ugnayan sa isa umanong immigration officer upang makitang mabilis ang pagpasok ng dayuhan kapalit ng salapi.
Bale sa record ng ahensya, ang tinukoy na immigration officer ay hindi empleyado ng ahensya.
Nadismaya naman si Morente sa bagong modus.
“There is no such service. We believe that these scammers prey on the people they see on Facebook,” pahayag ni Morente at aniya pa, “It is disconcerting to know that there are still those who can take advantage of the vulnerable even during a pandemic.”
Sa ngayon, tanging mga Filipino, dayuhang asawa, anak ng Filipino, dayuhang magulang ng mga Filipinong menor de edad at dayuhang may hawak na immigrant at non-immigrant visa ang maaaring makapasok ng bansa.
Ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng mga turista sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.