Sen. Sonny Angara: Walang VP bid sa akin sa 2022 elections

By Jan Escosio September 02, 2021 - 01:50 PM

Nilinaw ni Senator Sonny Angara na wala siyang plano na tumakbo sa pagka-bise president sa 2022 elections.

 

Nagpalabas si Angara ng pahayag matapos mabanggit ni Davao City Mayor Sara Duterte na kabilang ang senador sa nais ipareha sa kanya sa papalapit na eleksyon.

 

Ayon kay Angara malaking karangalan na mabanggit siya sa mga usaping may kinalaman sa eleksyon ngunit aniya nakasentro ang kanyang atensyon sa mga responsibilidad niya sa Senado.

 

Pinamumunuan niya ang Committee on Finance at nalalapit na ang deliberasyon para sa hinihinging P5.024 trillion 2022 national budget.

 

“No plans as busy kami dito sa trabaho naming sa Senado at sa pagtulong sa paghanap ng mga solusyon dito sa pandemya,” sabi ni Angara.

 

Bukod kay Angara, kabilang din sa mga nabanggit ni Duterte na isinusulong na maka-tandem niya ay sina Sens. Sherwin Gatchalian at Christopher Go, gayundin si dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.