Agila at falcon nailigtas ng DENR sa magkahiwalay na operasyon
Nailigtas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang agila at isang falcon sa magkahiwalay na operasyon sa San Mateo, Rizal at Taguig City.
Sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu, isang nagmalasakit na residente ang nagsabi sa kanila na may isang agila ang bumagsak sa isang ginagawang bahay sa San Mateo.
Aniya agad itong pinuntahan ng kanyang mga tauhan at nadiskubre na ang bumagsak ay isang crested serpent eagle.
Sa Taguig City naman ay nabatid na ang peregrine falcon ay tumama sa windshield ng isang sasakyan na Bonifacio Global City (BGC).
Ang dalawang ibon ay agad dinala sa BMB Wildlife Rescue Center sa Quezon City kung saan agad ginamot ang kanilang mga sugat.
Pinakawalan din ang agila at falcon matapos matiyak na maayos ang kalusugan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.