Sen. Win Gatchalian pinamamadali ang pagpababakuna sa OFWs

By Jan Escosio September 02, 2021 - 12:22 PM

Ipinanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian sa Inter-Agency Task Force (IATF) na madaliin ang pagbabakuna sa mga OFWs, partikular na ang mga nakatakdang umalis ngayon taon.

“Bakunahan na natin sila habang nandidito sila sa Pilipinas para maaari na silang makabalik agad sa trabaho. Marami sa kanila nagta-trabaho sa barko o sa mga hotels sa abroad. Marami sa mga ganitong negosyo ay bumabalik na paunti-unti. Pero kailangan nating siguruhin na bago makaalis ang mga OFWs sa bansa ay bakunado na silang lahat,” sabi ng senador.

Katuwiran ni Gatchalian sa kanyang apila, marami sa  mga OFWs ay nagtataguyod at sumusuporta ng pamilya kayat mahalaga na makaalis sila at kumita sa ibang bansa.

Una nang inilagay ng IATF sa Priority Group Category 1 ang mga OFWs na paalis na sa mga susunod na buwan.

Pinatitiyak  din ni Gatchalian sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maturukan ang OFWs ng mga bakuna na nais ng bansa na kanilang pupuntahan para hindi magkaroon ng aberya ang kanilang pag-alis.

Napakahalaga aniya ng nagagawa ng OFWs sa ekonomiya ng bansa sa usapin ng ipinapadala nilang pera sa kanilang pamilya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.