Sara Duterte walang inggit sa kapangyarihan ng ama, Sen. Bong Go
Naglabas ng mga paglilinaw si Davao City Mayor Sara Duterte ukol sa ibat-ibang isyu na may kinalaman sa 2022 national elections, gayundin sa kanyang personal na buhay.
Una ay itinanggi ni Duterte ang sinabi ng kanyang ama na nais ni Sen. Imee Marcos na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon.
Sinabi din niya na hindi siya galit sa kanyang ama, maging kay Sen. Christopher Go at hindi rin siya naiiingit kung anong mga kapangyarihan ang Punong Ehekutibo at senador dahil alam niya lubhang nakakapagod ang ginagawa ng mga ito.
Pagbubunyag pa nito, inialok sa kanya ni Go ang sarili para maging running mate nito sa eleksyon.
Una nang sinabi ng presidential daughter na ang kanyang ama at si Go ang may talagang plano sa eleksyon sa susunod na taon.
Ibinahagi din nito na may mga nagtutulak din na maging ka-tandem niya sina Sen. Sherwin Gatchalian. Sen. Sonny Angara, Rep. Martin Romualdez at dating Defense Sec. Gilbert Teodoro.
Pagdidiin lang din ni Duterte na sa mga kumakalat na ulat at usapan sa social media, nakakatiyak siya na hindi lubos na kilala ng mga ito ang kanyang pagkatao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.