Mga empleado mas produktibo sa ‘work from home’ – survey

By Jan Escosio September 01, 2021 - 06:03 PM

Higit sa 90 porsiyento sa mga empleado ang nagsabi na mas nagiging produktibo sila sa kani-kanilang trabaho sa pamamagitan ng ‘work from home arrangement.’

Ito ay base sa resulta ng survey na ginawa ng Development Academy of the Philippines, sabi ni Civil Service Commission Comm. Aileen Lizada.

Ibinahagi ni Lizada na base sa resulta, 14 porsiyento ang nagsabi na 100 porsiyento nilang natatapos ang kanilang trabaho, 46 porsiyento naman ay sinabing 90 hanggang 100 porsiyento nilang nagagampanan ang kanilang trabaho sa bahay.

Sinabi naman ng 33 porsiyento ng mga sumagot sa survey na 50 hanggang 89 porsiyento nilang nagagawa ang kanilang mga trabaho.

May pitong porsiyento lang ang nagsabi mababa sa 50 porsiyento ang kanilang nagagawa sa pamamagitan ng alternative working arrangement.

Ang resulta na ito ay sinang-ayunan naman ng marami sa mga sumagot na managers.

“Majority of managers and subordinates agreed that employees deliver quality and effective work on time,” sabi ni Lizada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.