Pagkawala ng COVID 19 fund ng Quezon Province, fake news!
Ipagdiinan ni Quezon Province Governor Danilo Suarez na mapanlinlang ang mga naglabasan na ulat na nawawala ang pondo nila para sa COVID 19 response.
Paliwanag ni Suarez ang Commission on Audit (COA) report na pinagbasehan sa mga ulat ay noon pang 2019.
Diin niya alam naman ng lahat na ang pandemya dulot ng 2019 coronavirus ay tumama sa bansa Marso 2020.
“To be clear and factual, the cited report is based on a COA report for year-end 2019. Covid is a 2020 phenomenon for Quezon and the Philippines. In 2019, no Covid response funds were released by the province as there were no recorded cases at that time,” ani Suarez.
Dagdag pa ng gobernador ang P102,131,89.29 ay tumutukoy sa mga nagpapatuloy na proyekto sa mga local government units (LGUs) sa lalawigan.
Sabi pa ni Suarez ang mga proyekto ay pinondohan ng iba’t ibang ahensya ng pambansang gobyerno at hinihintay na lang na matapos.
“Itong usapin ay dahil ang mga nagpapatuloy na proyekto ay kailangang maghintay ng kumpleto bago ang huling liquidation,” diin ng opisyal.
Kaugnay naman sa mabagal na vaccination rollout sa lalawigan, paliwanag ni Suarez, ito ay dahil naman sa isyu sa bilang ng vaccinators.
“Much as we’d like to hire more vaccinators, because of the budget that the Sangguiang Panlalawigan re-enacated despite the dire needs of the times, we are limited and cannot hire new employees,” punto ni Suarez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.