Sen. Pacquiao sinabing kakasuhan si Pastor Quiboloy dahil sa ‘fake news’

By Jan Escosio September 01, 2021 - 11:39 AM

Inanunsiyo ni Senator Manny Pacquiao na sasampahan niya ng kaso si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa gawa-gawang istorya.

 

“Itong si Quiboloy, gumagawa ng issue na hindi po niya alam. Dapat hindi siya makikialam sa gobyerno. Mag-focus na lang po siya doon sa kanyang mga disipulo na naniniwala po sa kanya,” ang buwelta pa ng senador sa Quiboloy sa isang panayam sa telebisyon.

 

Si Quiboloy ang kinikilalang namumuno sa Kingdom of Jesus Christ at sinasabing itinalaga siya na anak ng Diyos.

 

“Hindi po tama yang ginagawa niya at ‘yan po ay pananagutan niya sa batas. Plano ko pong mag-file ng kaso against him dahil po sa kanyang paglabag, at gumagawa po siya ng kwento na hindi naman po totoo,” dagdag pa ng Pambansang Kamao.

 

Reaksyon ang mga ito ni Pacquiao sa pahayag  ni Quiboloy na ang senador ang nagpasimula ng Sarangani Sports Complex na aniya ay nagkakahalaga ng P3.5 bilyon.

 

“Patawarin ako ng Panginoon pero hindi po talaga ‘yan totoong pastor kasi gumagawa niya ng mga fabricated story. Yung video na kinunan nila, yung pinalabas nila, building po yoon nung maliit na bata pa ako, nung 1996 pa,” paglilinaw pa ni Pacquiao.

 

Aniya ang pasilidad ay nagkakahalaga lamang ng P300 milyon hanggang kalahating bilyong piso.

 

Hiniling na rin ni Pacquiao sa PNP na kilalanin ang nasa likod ng 27 social media accounts na nagpakalat ng ‘fake news’ na sinabi ng senador ay sinimulan ni Quiboloy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.