Plano ni VP Leni Robredo sa 2022 elections malalaman na

By Jan Escosio September 01, 2021 - 11:18 AM

Tutuparin ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pangako na isasapubliko ang kanyang plano sa nalalapit na eleksyon.

Ito ang pagtitiyak ni Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo.

“Malapit na tayo sa panahong tinukoy niya para sa pagpapahayag ng kanyang desisyon,” sabi nito.

Sinabi pa ni Gutierrez na ikinukunsidera na ni Robredo ang mga pagsuporta ng ibat-ibang sektor ng lipunan at mga organisasyon, na humihimok sa kanya na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Sunod-sunod ang paglulunsad ng kampaniya ng mga volunteers at supporters ni Robredo sa ilang lugar para mahikayat siyang tumakbo sa pagka-pangulo.

“Nagpapasalamat si VP Leni sa lahat ng mga nagpahayag ng kanilang tiwala at suporta. Kasama sa kanyang proseso ng pagdedesisyon ang pakikinig sa mga panawagang ito,” banggit pa ni Gutierrez sa inilabas na pahayag.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.