Pangulong Duterte dinipensahan ni Sen. Bong Go sa ‘Davao appointees’
Tinindigan ni Senator Christopher Go sa Senado ang mga pagkuwestiyon sa mga pagtatalaga ni Pangulong Duterte sa mga taga-Davao sa ibat-ibang posisyon sa gobyerno.
Sinegundahan ni Go ang sinabi ni Pangulong Duterte na kasama sa kanyang mga kapangyarihan ang pagtatalaga ng mga tao na kanyang pinagkakatiwalaan.
“It is the President’s prerogative who to appoint in his office and in his administration. Kung gusto mong makialam sa appointments, maging Pangulo ka po,” diin ni Go sa kanyang privilege speech sa Senado.
Dagdag pa niya; “Why question the appointing authority when his right to do so was given to him by the Constitution? If you have reservations on the qualifications of people in the government, question it before the proper courts. Or if you want to change the qualifications, pass a law to favor what you want.”
Hindi dapat aniya na gawin malaking isyu na mga taga-Davao ang itinatalaga ni Pangulo sa pagsasabing; “Bakit issue na ngayon na puro taga-Davao ang naa-appoint? Ano pong masama doon kung sila ang pinagkakatiwalaan ng Pangulo? Ano tingin nyo sa Pangulo, hindi marunong kumilatis? Personal choice niya po ‘yan. Hindi porke’t abogado niya, eh tao ko na. Abogado niya po ‘yan noon pa.”
Buwelta pa niya hindi dapat magmalinis ang mga bumabatikos sa paniniwalang may mga naka-trabaho din ang mga ito na kanilang kamag-anak, kababayan, at kaibigan.
Ayon pa kay Go ang palagi lang bilin at paalala ni Pangulong Duterte sa kanyang mga itinatalaga ay maayos at tapat na gawin ang kanilang trabaho.
Ngayon, ilang mga taga-Davao ang nasasangkot sa mga sinasabing anomalya sa pagbili ng bilyong-bilyong pisong halaga ng medical supplies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.