Pag-alis kay Pangulong Duterte sa posisyon sa PDP-Laban, comedy lang
Comedy.
Ito ang pagsasalarawan ni PDP – Laban Secretary General Melvin Matibag sa pagkakahalal kay Senator Koko Pimentel III bilang bagong chairman ng kanilang partido kapalit ni Pangulong Duterte.
“Sen. Koko Pimentel has no position in the PDP Laban. He irrelevant and he does not represent the party,” ayon kay Matibag.
Naglabas ang kampo ni Matibag ng pahayag matapos ang halalan ng national council ng PDP-Laban sa pagpupulong kanina.
Magugunita na sa naunang council meeting ng kampo ni Matibag, tinanggal naman nila Sen. Manny Pacquiao bilang kanilang presidente at inihalalal nila si Energy Sec. Alfonso Cusi.
Hindi naman ito kinilala ng kampo nina Pacquiao at Pimentel.
Iginiit ni Matibag na si Pangulong Duterte pa rin ang kinikilala nilang chairman ng kanilang PDP Laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.