Mga senador umalma sa sinabi ni Pangulong Duterte ukol sa mga pag-iimbestiga ng Senado

By Jan Escosio August 27, 2021 - 06:06 PM

Inalmahan ng ilang senador ang ibinilin sa sambayanan ni Pangulong Duterte na hindi dapat paniwalaan at wala naman nangyayari sa pag-iimbestiga ng Senado sa ibat-ibang isyu.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III maaring ibang impormasyon ang mga nakukuha ng Punong Ehekutibo.

“As far as I know, the Ombudsman usually relies on Senate investigation and reports for their preliminary investigation,” ayon kay Sotto.

Ayon naman kay Sen. Joel Villanueva, hindi naman bisyo lang ang kanilang pag-iimbestiga kundi bahagi ng kanilang mandato bilang mga mambabatas.

“We do not relish conducting investigation. In fact, we shall be happy if the need ceases to exist because it would mean that a government is running smoothly, free from irregularities,” aniya.

Sa buwelta naman ni Sen. Panfilo Lacson, ang hindi dapat aniya paniwalaan ay sinabi ni Pangulong Duterte.

“Maraming batas na pinakikinabangan ng taumbayan ang naipasa namin dahil sa mga inquiries at imbestigasyon na isinagawa namin. Magbasa rin muna siya tungkol sa doktrina ng Separation of Powers at Checks and Balances ng Ehekutibo, Kongreso at Hudikatura bago niya kami pakialaman sa Senado,” ang matigas na pahayag naman ni Lacson.

Dagdag pa ni Lacson ang dapat na asikasuhin ngayon ni Pangulong Duterte ay ang mga kakulangan ng sangay ng gobyerbo na hitik sa korapsyon at kawalan ng kakayahan ngayon may pandemya.

Ipinaalala naman ni Sen. Risa Hontiveros kay Pangulong Duterte na ang ginawa niyang pamamahagi ng pastillas sa Malakanyang ay bunga ng pag-iimbestiga sa Senado sa nabunyag na ‘pastillas scam’ na kinasasangkutan ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration.

“Noong una ang bulong ni Presidente sa taumbayan, “Walang pera” para sa sapat na pagtugon sa COVID. Yun pala, ayon sa imbestigasyon ng COA, meron. Isinoli pa nila at hindi ginamit. Kung tunay ang hangarin nyang labanan ang graft and corruption sa ilalim ng administrasyon nya, kung pwede lang, huwag syang makialam,” diin pa ni Hontiveros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.