Pangulong Duterte, bukas sa ideyang paglalagay ng casino sa Boracay

By Chona Yu August 27, 2021 - 03:05 PM

Malay Tourism Office Facebook photo

Bukas na si Pangulong Rodrigo Duterte sa ideya na lagyan ng casino ang Boracay Island.

Ayon sa Pangulo, kailangan na kasi ng gobyerno ng sapat na pondo para matugunan ang pandemya sa COVID-19.

Agad namang humihingi ng dispensa ang Pangulo kung nabago ang kanyang paninindigan.

“Ngayon, magsabi ka, “Ito si Duterte, bakit sabi mo ayaw mo ng sugal, tapos ngayon maski ‘yung sa Boracay ‘yung gambling house doon ine-encourage mong buksan para sa tourist?,” pahayag ng Pangulo.

“Patawara — patawarin na po ninyo ako for the contradiction. Ngayon po wala tayong pera. Kung saan man tayo makakuha ng pera, kukunin ko. Kung diyan sa gambling, so be it. Ngayon, kung nagkamali ako, tama ‘yan, nagkamali ako. Kung wala akong isang salita diyan, tama ‘yan, wala akong isang salita diyan. Pero kailangan ko ng pera para patakbuhin ang gobyerno kasi marami akong gagastusan,” aniya.

Abril 2018 nang ihayag ng Pangulo na tutol siya sa casino sa Boracay.

TAGS: CasinoinBoracay, DuterteSpeech, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople, CasinoinBoracay, DuterteSpeech, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.