DOH muling nagpaalala sa publiko kontra Zika

By Kathleen Betina Aenlle April 30, 2016 - 06:33 AM

Zika Virus1Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko at pinayuhan na manatiling mapag-matyag laban sa Zika virus.

Ito ay matapos makumpirma ng kagawaran na isang 20-anyos na Korean ang nagkasakit at nag-positibo sa Zika makaraang bumisita saglit sa Pilipinas.

Ayon kay Health Sec. Janette Garin, habang kinukumpirma pa nila kung dito nga talaga nakuha ng dayuhan ang sakit, lalong lumakas ang paniniwala na mayroon na nga talagang Zika virus dito sa bansa.

Sa ulat ng Korea Times, nakagat umano ng lamok ang Koreano noong April 13 bago siya umalis sa Boracay.

Sumailalim na rin sa Zika test ang kapatid nitong kasama niya sa bakasyon bagaman hindi naman siya nakagat ng lamok.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.