Walang Filipino ang nasawi sa pagsabog sa airport ng Kabul, Afghanistan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, base sa impormasyon ni Philippine Ambassador Daniel Espiritu, walang Filipino ang namatay sa suicide bombing.
Nabatid na dalawang pagsabog ang naganap kahapon malapit sa airport ng Kabul.
Naganap ang pagsabog matapos makubkob ng Taliban ang pamahalaan ng Afghanistan.
Sa pinakahuling talaan ng DFA, 185 na Filipino na ang nakalabas ngayon ng Afghanistan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.