Healthcare frontliners dapat may hazard pay din, bilin ni Sen. Angara sa DOH

By Jan Escosio August 27, 2021 - 09:28 AM

Iginiit ni Senator Sonny Angara na nasa batas na dapat ay may natatanggap na hazard allowance ang mga medical frontliners.

Ang sinasabi ni Angara ay nakasaad sa Section 21 ng RA 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers na iniakda ng kanyang ama, ang yumaong Senator Edgardo Angara.

Aniya ngayon may krisis pangkalusugan sa bansa, dapat ay may hazard allowance ang mga medical frontliners na mula lima hanggang 25 porsiyento ng kanilang buwanang suweldo depende sa kanilang salary grade.

Ipinaalala ni Angara ang batas nang mabanggit sa Senate Blue Ribbon Committee na nagwakas ang pagbibigay ng special risk allowance (SRA) sa medical workers nang matapos ang bisa ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) noong nakaraang Hunyo 30.

Pagdidiin niya, ang pagbibigay ng SRA ay dapat magpatuloy hanggang umiiral ang state of national emergency na idineklara ni Pangulong Duterte dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

TAGS: hazard pay, healthcare workers, Magna Carta of Public Health Workers, Senator Edgardo Angara, Senator Sonny Angara, hazard pay, healthcare workers, Magna Carta of Public Health Workers, Senator Edgardo Angara, Senator Sonny Angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.