Pera ni Duterte sa BPI, ‘a little less than’ P200-M lang daw
Mas mababa lang ng kaunti sa P200 million ang laman ng kaniyang account sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Julia Vargas, Pasig City.
Ito ang inamin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa inaakusa sa kaniya ni Sen. Antonio Trillanes IV na mayroon siyang deposits na may kabuuang P227 million sa account na iyon.
Ngunit nang tanungin naman siya ng tungkol sa eksaktong halaga nito, hindi ito masagot agad ng alkalde at sinabing hindi niya ito lubos na matandaan dahil sa mga zeroes.
Nang tanungin naman siya kung bakit hindi niya ito inilagay sa kaniyang statement of assets, liabilities ang net worth (SALN), ikinatwiran ng alkalde na nagastos na niya ang mga ito.
Ayon din kay Duterte, ang mga malalaking perang pumasok sa kaniyang account noong kaniyang birthday ay mula sa kaniyang mga kaibigan.
Patunay aniya ito na marami siyang kaibigan na mayayaman.
Sa pinakahuling pagbubunyag ni Trillanes, sinabi ng senador na aabot sa P2.407 bilyon ang mga naging transaksyon sa tatlo niyang bangko, dalawa dito sa Metro Manila at isa sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.