P2-M halaga ng motor grader at iba pang parte, nasamsam ng BOC

By Angellic Jordan August 26, 2021 - 02:32 PM

BOC photo

Bilang bahagi ng pinaigting na hakbang laban sa technical smuggling, nasabat ng Bureau of Customs Port of Cebu ang shipment na naglalaman ng bagong motor grader at iba pang parte noong August 20.

Nagkakahalaga ang mga kontrabando ng P2,267,550.

Dumating ang shipment sa pantalan noong August 17 mula sa China.

Kahina-hinala ang nakuhang x-ray scanning images mula sa X-Ray Inspection Project (XIP) Team kung kaya’t nagsagawa ng 100 porsyentong physical examination sa kargamento.

Lumabas sa eksminasyon na brand-new motor grader at ilang parte ang laman ng shipment, taliwas sa unang deklarasyon.

Agad naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment matapos makita ang probable cause dahil sa misdeclaration, na paglabag sa Section 1113 (F), (I), at (L-3,4, & 5) na may kinalaman sa Section 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act.

Isinailalim ang nasamsam na shipment sa seizure at forfeiture proceedings.

TAGS: BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BOC, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.