Madugong airstrike ng US sa ospital sa Afghanistan, pagkakamali lang ayon sa imbestigasyon

By Kathleen Betina Aenlle April 30, 2016 - 04:51 AM

airstirkeSa pagtatapos ng imbestigasyon ng US military tungkol sa airstrike sa isang ospital sa Afghanistan noong nakaraang taon, napag-alaman na hindi isang war crime ang naganap kundi bunsod ng maraming pagkakamali, kabilang na ang human error.

Noong October 3, 2015, 42 ang patay habang 37 ang labis na nasugatan dahil sa airstrike ng US military sa ospital na pinamamahalaan ng international medical charity na Medecins Sans Frontieres o mas kilala bilang Doctors Without Borders.

Ayon sa commander ng US Central Command na si Gen. Joseph Votel, napag-alaman nila sa imbestigasyon na may ilang tauhan na hindi nakasunod sa rules of engagement at law of armed conflict na nauwi sa mga pagkakamali.

Hindi aniya ito maituturing na war crime dahil wala naman sa mga service members na nakadeploy noong panahong iyon ang may alam na ospital pala ang kanilang tinamaan.

Kabilang sa mga pagkakamaling nangyari ani Votel ay “unintentional human errors, process errors and equipment failures.”

Base sa isang report, nagbigay na ng condolence payments sa mahigit 170 indibidwal at pamilya dahil sa insidente, at inaprubahan na rin ang paglalabas ng$5.7 milyon na gagamitin para muling itayo ang napinsalang ospital.

Binigyan rin ng $3,000 ang mga nasugatan at $6,000 naman ang ipinamahagi para sa mga nasawi.

Ayon naman sa pinuno ng pwersa ng US at NATO sa Afghanistan, pinatawan na ng disciplinary actions tulad ng suspension, pagkakasibak sa pwesto, letters of reprimand, formal counseling at mas pinaigting na pagsasanay ang 12 tauhan na nasangkot dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.