Beep cards, malapit nang magamit sa mga bus

By Kathleen Betina Aenlle April 30, 2016 - 04:49 AM

beep cardMagagamit na ng mga pasahero ang kanilang mga beep cards sa ilang mga bus simula Hulyo.

Pumirma na sa isang kasunduan ang AF Payments Inc. sa Froehlich Tours, HM Transport, at Cityling Coach Services para sa bagong sistema sa kanilang mga bus para maari nang magamit ng mga pasahero ang kanilang beep cards.

Ang AF Payments Inc. ay ang kumpanyang may hawak ng contactless payment cards na ginagamit ngayon sa mga LRT at MRT stations.

Oras na maisakatuparan ito, tatanggap na ng beep cards ang Froelich Tours sa kanilang bus na may rutang Trinoma to Makati at SM North Edsa patungong SM Megamall.

Magagamit naman ang beep cards sa Airport Loop ng HM Transport sa Pasay.

Sa Citylink naman ay ang mga rutang dadaan ng Eastwood City, Uptown Bonifacio, San Lorenzo Place, McKinley Hill at Newport City.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng mga tests para sa bagong bus system pero ayon sa AF Payments, sa Hulyo pa ito inaasahang maging fully operational.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.