Southern Luzon, Visayas at Mindanao uulanin pa rin dulot ng ITCZ
Umiiral pa rin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, apektado ng naturang weather system ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao
Bunsod nito, asahan pa rin ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing parte ng Luzon at Mindanao.
Sinabi rin nito na walang inaasahang bagyo na papasok o mamumuo sa teritoryo ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.