Sen. Koko Pimentel bumuwelta kay Mayor Sara Duterte sa ‘sitcom statement’ sa PDP Laban
Hindi katanggap-tanggap kay Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte ukol sa awayan sa PDP-Laban.
Ipinagdiinan ni Pimentel na wala siyang sinisi na hindi kapartido sa pagkakahati ngayon ng PDP-Laban.
“I don’t know why I am being ‘referred to’ in paragraph 3. Look at all my statements regarding the PDP Laban issue. I have been addressing my comments to Sec. Cusi and sometimes Atty. Matibag. This is an ‘internal’ dispute,” giit ni Pimentel.
Sinabi niya na ang awayan sa kanilang partido ay dahil sa kanyang mga kapartido at wala siyang sinisisi na hindi taga-PDP Laban.
“Our internal dispute has been caused by someone from the inside. That an outsider is being considered as the presidential candidate by an insider is not the fault of the person being mentioned but the fault of the insider who lacks faith, confidence and loyalty to his Party and the talent and skills of the Party members,” punto ng senador.
Sa naunang inilabas na pahayag ni Mayor Duterte sinabi nito na hindi dapat siya idamay sa awayan sa PDP-Laban dahil ang totoong tatakbo naman ay ang kanyang ama at si Sen. Christopher Go ang magiging standard bearer.
Aniya hindi din dapat siya sisihin sa ‘sitcom’ na nangyayari ngayon sa administration party.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.