Pagsali sa 2022 vice presidential race kinumpirma ni Pangulong Duterte

By Chona Yu August 25, 2021 - 08:41 AM

Kinumpirma na ni Pangulong Duterte ang pagtanggap sa nominasyon ng PDP Laban na maging vice presidential candidate ng partido sa 2022 national elections.

Sa Talk to the People kagabi, inamin ni Pangulong Duterte na sa kanyang pagtakbo ay nais niyang maipagpatuloy ang kanyang mga kampaniya.

Nagpahayag siya ng pagkabahala ukol sa problema sa mga rebeldeng-komunista, droga at kriminalidad.

Sinabi nito na bagamat malilimitahan na ang kanyang kapangyarihan kung papalarin siyang magiging susunod na bise-presidente, tiniyak niya na isasapubliko niya ang kanyang mga pananaw.

Ang pagtakbo ni Pangulong Duterte sa papalapit na halalan ay unang  idineklara ng PDP-Laban, ang partido kung saan siya ang chairman.

Samanatalang, si Sen. Christopher Go ay muling sinabi na wala siyang interes na maging standard-bearer ng PDP-Laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.