PCG, rumesponde sa nasunog na barko sa Albay

By Angellic Jordan August 24, 2021 - 04:44 PM

PCG photo

Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang fire onboard incident sa karagatang sakop ng Barangay Salvacion sa Tabaco City, Albay dakong 8:45, Lunes ng umaga.

May lulan na 22 crew members ang cargo vessel na MV DELWIN MATTHEW, na pag-aari at ino-operate ng Pherwin Shipping Corporation na nakabase sa San Vicente, Milaor, Camarines Sur.

Inabisuhan ng mga tauhan ng PCG ang mga crew member na umalis sa naturang barko habang tumutulong sila sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pag-apula ng sunog.

Ayon sa ahensya, faulty electric wiring ang isang hinihinalang sanhi ng sunog sa barko.

Base pa sa imbestigasyon, isa sa crew members ang nakapansin ng kahina-hinalang usok mula sa galley.

Sinubukan nilang apulahin ang apoy gamit ang portable fire extinguisher ngunit hindi nito kinaya hanggang sa umabot na ang sunog sa pilothouse.

Matapos ang 15 minuto, tatlong BFP trucks ang dumating sa naturang lugar at matagumpay na naapula ang sunog bandang 11:00 ng umaga.

Nasa maayos na kalagayan naman ang lahat ng crew members.

TAGS: InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.