Pitong araw na quarantine period sa mga COVID-19 positive na health workers ikinakasa ng DOH
Pinag-aaralan na ng Department of Health na bawasan ang quarantine period ng mga fully vaccinated health workers na nagpo-positibo sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay para masiguro na may sapat pa ring health workers na magtatrabaho sa ospital lalo’t tumataas ang kaso ng COVID-19.
Sinabi pa ni Vergeire na maglalabas ng polisiya ang DOH na sa halip na 14 araw, gagawin na lamang na pitong araw ang quarantine period ng mga health workers na nag-positibo sa COVID-19.
Kinakailangan lamang aniya na maging negative result na ang swab test sa ika-limang araw ng quarantine.
Sinabi pa ni Vergeire na kukunsultahin muna ng DOH ang mga eksperto kaugnay sa panibagong polisiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.