Ilang bahagi ng Metro Manila inulan ngayong hapon
Nakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila ngayong hapon.
Sa abiso ng PAGASA, naapektuhan ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Quezon City, gayundin ang ilang bahagi ng San Juan.
Nagsimula ang pag-ulan kaninang alas 3:50 ng hapon.
Maliban sa Quezon Citya t San Juan, light hanggang moderate nap ag-ulan dina ng naranasan sa mga bayan ng San Luis, Bauan at Taal sa Batangas; Antipolo at Cainta sa Rizal, gayundin sa Pampanga at Cavite.
Naapektuhan din ng thunderstorm ang iba pang lalawigan na kalapit ng Metro Manila gaya ng Bulacan, Bataan at Zambales.
Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na mainit na panahon pa rin ang naranasan sa malaking bahagi ng bansa ngayong maghapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.