Bilang ng APOR na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines, nadagdagan pa
Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nakapag-avail ng libreng sakay sa railway lines.
Sa datos noong August 22, nasa 19,411 na bakunadong pasahero ang nakapag-avail ng libreng pamasahe sa MRT-3, LRT-2, at PNR.
Sa nasabing bilang, 2,804 na pasahero ang LRT-2 ang nalibre, 15,270 sa MRT-3 habang 1,337 naman sa PNR.
Dahil dito, umabot na sa 1,178,048 ang kabuuang bilang ng mga APOR na nabigyan ng libreng pamasahe simula noong August 3.
Matatandaang ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade ang libreng sakay sa mga pasahero naturukan na ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Para ma-avail ang libreng sakay, kailangan lang ipakita ng mga bakunadong pasahero ang kanilang vaccination cards.
Pinalawig ang libreng sakay sa railway lines kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) hanggang August 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.