Pilipinas, nakapagtala ng karagdagang 466 kaso ng Delta variant

By Angellic Jordan August 23, 2021 - 03:13 PM

Nakapagtala ng karagdagang 466 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base ito sa tala ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).

442 rito ang local cases, 14 ang returning overseas Filipinos at 10 ang bineberipika pa.

Sa naturang bilang, isa ang nananatiling aktibo, walo ang nasawi habang 457 ang naka-recover.

Base pa sa datos, 201 ang bagong naitalang kaso sa Metro Manila, 69 sa Central Luzon, 52 sa Western Visayas, habang 49 naman sa CALABARZON.

Sa ngayon, umabot na sa 1,273 ang kabuuang naitalang kaso ng Delta variant sa bansa.

TAGS: BreakingNews, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, DeltaCOVID, DeltaPH, DeltaVariant, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.